Seatmates tayo noon, first year high school. Brown pa nga hair color mo . Nakakatawa ka sa good morning towel na hawak hawak mo araw araw. Lagi mong tinatakip sa muka mo yun at pag nalaglag ipapagpag mo lang at balik ang cover sa muka. Seatmates tayo kaya pag kilala mo pa nga crush ko nun. Nakakatawa kala ko magiging close na tayo forever. Pero may niligawan ka. Matalino sya at maganda. Hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam na pag pinagkukwentuhan nyo sya, naiinis ako at mas gusto kong pag-usapan ang assignment kaysa ang crush mo. Naging muse sya ng batch, ikaw ang escort. Di ko maintindihan na kung bakit walang klase noon dahil intrams e mas gusto ko nalang na magdiscuss ang teacher para di ko makita ang pagpresent sanyo sa stage ng magkasama. Lumipas ang ilang buwan, hindi ka nya sinagot. Natuwa ako at ayun, mejo close pa rin tayo. Pero may kulang…
Second year high school, hindi na tayo magkakaklase. Pero magkalapit ang classroom natin noon. Isang beses pinagalitan ka ng adviser mo. Napaiyak ka nya dahil sa pagkanta mo daw ng wala sa tono. Ang laking bagay sayo ng komento nya nay un dahil alam ko dati pa mahilig ka na kumanta. Tinawag mo ko sa classroom ko. Lumabas naman ako. Umiiyak ka. Yumakap ka pa nga sakin nun. At mula non nagging magbestfriends na tayo. Natatandaan ko nov.8, sinabi mo pa nga na ako ang bestfriend mo. Second year din, may bago ka na nililigawan. Maganda ulit at matalino. Pero higher batch sya at mukang pihikan pero alam kong gusto ka nya. Nakakatawa na nakakainis at kahit papano natutuwa ako dahil pinagseselosan nya ko. Inaaway pa nga ako ng mga kaibigan nya pero wala akong pakialam kasi alam ko bestfriend mo ko at ako ipagtatanggol mo. Pero mali ako. Nakakalungkot . Hindi ko alam kung pano nangyari pero unti unti nawalan na tayo ng koneksyon. Mas madaming oras na ang tinutuon mo sa panliligaw sakanya kaysa ang pakikipagkwentuhan sa min na barkada mo. Pero alam mo, ang saya ko nung mga panahon katulad ng Christmas party na nagpunta tayo sa bahay ng isang kaibigan,tumawid tayo ng hawak mo ang kamay ko. Hindi ko maipaliwanang kung bakit nung mga oras nay un, naisip ko sana lagging hawak ko lang ang kamay mo. Natatawa din ako nung isang beses na dapat ay may trip ang club natin papunta sa isang exhibit sa maynila. Sumunod tayo kahit wala tayong kaalam alam sa pupuntahan. Ang saya ko nun sana. First time nating magkasama ng tayo lang. Pero pagdating natin dun, wala na sakin ang atensyon mo. Nandun din kasi ung nililigawan mo. As usual, echapwera na naman ako.
Lumipas ang third year hanggang fourth year, hindi ko nalang namalayan na wala na talaga tayong koneksyon na parang napakalayo mo na at hindi na kita kilala pero ganun pa rin ang tingin ko sayo bilang bestfriend ko. Gumraduate tayo ng high school at tuluyan na nawalan ng usapan. Magkalapit lang ang school natin nun pero kahit ni minsan hindi tayo nagkita. Minsan nananaginip ako ng gising na sana magtext ka para kamustahin ako pero syempre hindi nangyari yun. Hanggang sa nakita nalang kita sat tv. Ang galling!Commercial model ka na. At kapag lumalabas sa tv, parang bumibilis ang tibok ng puso ko at pinagsisigawan kong kaibigan kita. Ganun na yun sa loob ng 6 na taon. Masaya naman ako sa buhay ko. I have my own set of friends na nakakasama ko, nakikinig sakin at nakakaunawa at nakikisakay sa mga trip ko. Hanggang sa isang araw ng mayo, nagkita tayo. Out of town na barkada na kasama ka. Masaya, memorable. Ang dami nga nating picture na magkasama. Nakakatuwa kasi ikaw yung artista pero ikaw ung nagpapapicture sakin. Muntik pa ko malunod nun naalala ko at nakita ko na ikaw ung unang tumakbo para sagipin ako. Lumakad tayong magkahawak kamay. Ayokong bigyan ng malisya ang mga yun pero iba ang dating sa mga nakakita satin. Bagay pa nga daw tayo sabi ng ibang nakakita sa picture. Pero alam ko, kumbaga sa pelikula, love team lang yun, hindi applicable sa totoong buhay.
Paguwi natin mula sa bakasyon, hindi ko na ineexpect na maguusap pa tayo ulit. Sanay na naman ako ng wala ka. Pero nagtext ka pa. pinasend mo pa nga pix natin. At natuwa naman ako napinost mo pa sya sa acct mo. Parang kahit papano naramdaman ko na special din pala ko sayo. Mula non, laging ikaw na bukambibig ko. Nagsasawa na nga ang iba sa kakapakinig ng mga kwento ko tungkol sayo. Hindi na tayo nawalan ng communication sa loob ng 3 buwan. Lagi tayong magkausap at may pailan ilang beses na nagkita tayo at lumabas ng tayong dalawa lang. Nakakatuwa. Dream come true kung tutuusin. Ang saya ko nung mga panahon na nakakapag-usap tayo kung ano ang hilig at mga interes natin. Nakakatuwa nga kasi nakita mo na iba ako sa mga babae mo. Ngayon naappreciate mo na ko. Minsan humirit ka pa nga na malay mo, ako na ang babaeng hinahanap mo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin mo dun pero alam ko may nararamdaman ka na hindi ka pa sigurado. Lumabas tayo isang beses pero napansin kong meron akong mga interes na walang dating sayo. Mula nun, alam ko na na hindi magiging tayo. Ngayon, gusto ko lang sana maging kaibigan mo pero parang kahit yun, ang hirap na gawin. Hindi mo alam kung gano ko nasaktan nung pinipilit mo pang ipakita ang litrato ng babae na dine-date mo. Gusto kong sabihin na “nandito naman ako” pero anong magagawa ko, kaibigan lang ako. Gusto ko lang sana na kahit sa pagiging kaibigan, maramdaman mo na nandito ako para sayo. Pero kahit yun hindi mo makita. Gusto ko din sana na sa pagiging kaibigan ko, maramdaman mo na importante ka sakin at ganun din ako sayo. Gusto sana kita makilala. Kung anong nagpapasaya sayo, kung anong mga paborito mo. Gusto ko malaman kung anong nagpapasaya sayo. At kung may gusto kang pag-usapang makikinig lang ako. Politika man yan, babae, pagkain, movies o kahit basketball. Gusto ko sana na kahit ilang babae pa ang dumaan sa buhay mo, may kaibigan ka na nandito lang para sayo. Pero masyado ka na yatang madaming kaibigan at hindi mo na mapansin ang mga taong nagpapapahalaga ng totoo sayo. Kaya siguro hanggang dito nalang ako. Kung sabagay, wala ka naman sa nakalipas na 6 na taon ng buhay ko. Ano ba naman yung mga dadating pa. Sayang kasi yun sanang magagandang alaala natin sa nakalipas na 3 buwan ay lubos na para makalimutan ko yung sakit ng dibdib ko kapag naaalala ko na wala na pinagpalit mo ako sa nililigawan mo. Sayang dahil sa pangalawang pagkakataon, imbis na masasayang alaala ang maiisip ko, mas gugustuhin ko pang ibahin ang usapan kaysa marinig ang pangalan mo.
No comments:
Post a Comment