Sabi ko kanina, "ang hirap mo sabayan", sabi ng kausap ko, "bakit mo kasi hinahabol?". Sabi ko hindi ko alam. Siguro dahil gusto ko pakita sayo na kahit nagmamadali ka, makakasunod ako sa lakad mo. Siguro paraan ko rin yun para maiparamdam sayo na pareho naman tayo ng pinanggalingan kaya kung san ka man pupunta, magkaiba man ang kalyeng dadaanan natin, pareho na din ng destinasyon kaya sabay na tayo. Pero hindi nga yata ganun. Magkaiba nga yata talaga ng ruta natin kaya maglilihis at maglilihis din ng tayo ng daan. Naisip ko, ako nga lang ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganto. Masyado kasi kong umasa, nag-expect sayo. Akala ko porke close na tayo, makikilala na kita ng totoo. Siguro nga sobrang nag-assume na ako na dahil pinagkakatiwalaan mo ko, makakapag-demand ako na pag gusto kita makita, patakbo ka pang pupuntahan ako. Minsan nangangarap ako ng gising na paglabas ko ng opisina, nandun ka nalang at nag-aabang para sorpresahin ako. Pero syempre ilusyon ko lang yun. Nakakalungkot lang kung kelan ka lang pwede tsaka tayo magkikita. Ang hirap e. Kasi lagi kitang namimiss. Hindi ko gusto maging ganto pero basta nalang nangyari. Pasensya na. Gusto sana kita mapatawa. Ung sa mga mababababaw na kalokohan ko, hahalakhak ka at gugustuhin mo na kahit gano ka-busy at gano kadaming tao ang nakakasalamuha mo, sa katapusan ng araw, pipiliin mong makasama ko dahil hindi mo kailangang maging artista, politiko para matanggap kita. Gusto ko sana makasama ka ng isang araw. Ung maglalaan ka talaga ng panahon para mag-usap lang tayo, magkwentuhan. Yung tahimik. Kahit mag-usap lang tayo maghapon ayos lang. Basta pag kasama mo ko, kampante ka at walang problemang maiisip. Pero syempre imposible na mangyari yun. Sana huling hirit ko na to. Ngayon alam ko wala na ko magagawa sayo, wala na ko masisisi kundi ang sarili ko. Magkaiba nga siguro tayo ng lenggwahe, magkaiba ng mundo. Gusto ko sana sabihin sayo pero baka hindi mo naman maintindihan. Baka busy ka masyado para pakinggan pa ko. Bukas simula na naman ng bagong linggo. Sana masimulan ko na din ang bagong buhay ko- ulit- ng malayo sayo. Sana huling sakit na to...
No comments:
Post a Comment